(Lion Image)

1st ASIA - PACIFIC EDITION

7th CAD/CAM & Computerized Dentistry
International Conference

06 - 07 October 2012, Marina Bay Sands Hotel
SINGAPORE

Confirmed 14 CPE Points
attainable

Organized by

CAPP ASIA

Proud Supporter

SDA - Singapore Dental Association
LATEST NEWS:
Dental Tribune International Editorial (more...) | Welcome Message from Dr. Kuan Chee Keong, SDA President (more...) | Guest of Honnor: Prof. Patrick S K Tseng, BDS, MSc (more...) | Final Program >> (more...) | Conference Certification: 14 CPE Points attainable. |

Maligayang pagdating

Mahal na mga kasamahan sa larangan ng Dentisterya,

Dr. Dobrina MollovaAng CAD/CAM ay naging isang mahalagang bahagi na ng ating mundo sa maraming aspeto simula pa noong 1950s. At noong 1980s ito ay naging parte na ng Dentisterya. Lubos na kamangha-mangha na masaksihan na napakibilis ng pag-unlad ng CAD/CAM at ang kompyuterisasyon sa industriya ng Dentisterya. Ang mga nakaraan na eksibisyon at pagpupulong noong huling IDS sa Koln, Alemanya at IDEM sa Singapore ay pagpapatunay hindi lamang ng pambihirang pagbuti ng teknolohiya, kungdi sa napakaraming kompanyang gumagawa na sumasali sa merkado.

Nakatutuwang bagong pagunlad ng mga materyales at kompyuterisasyon sa larangan ng Dentisterya ang naging daan para sa tagumpay ng kontemporaryong teknolohiya ng CAD/CAM – ginamit na ng ilang dekada sa restorative dentistry at napalawak na ang aplikasyon nito sa paglagay ng pekeng ngipin sa gilagid (Implant Dentistry), ang pagpapatuwid ng mga sungking ngipin (Orthodontic treatment) at dayagnostiko.

Limang taon ang nakalipas ng ang merkado sa Gitnang Silangan ay naguumpisa pa lamang, sinimulan namin ang unang internasyonal na pagpupulong ng CAD/CAM at kompyuterisasyong Dentisterya ng may sigasig at mataas na pagtitiwala sa sarili sa kapanapanabik na industriyang ito. Sa mga maikling taon, hindi lang naming nakita ang pag-unlad at pag-usbong ng kompyuterisasyong destisterya kundi pati na rin ang mabilis na pagtaas ng hangarin ng mga Dentista, Dental Teknisyan, at mga Miyembro na bumubuo ng grupo ng Dentistriya. Ang pagtaas ng bilang ng mga kasali simula noong 2005 hanggang ngayon ay nagpapatunay na hindi lamang ang teknolohiya ang sumusulong kundi pati narin ang antas ng Dentistriya.

Gusto kong batiin ng maligayang pagdalo ang lahat ng Propesyonal sa Dentistriya para sa Ika-Pitong beses na pinkalamaking taunang internasyonal na pagpupulong na nakatuon ng lubos sa Kompyuterisasyong Dentistriya, na gaganapin sa bansang Singapore. Kami ay nasasabik na mag-organisa ng ganitong pagpupulong, na naging daan sa pagtayo ng tulay sa grupo ng dentistriya, teknisyan at ng buong industriya. Sa kabila ng pagdami ng bilang ng miyembro ng Dentistriya, ginagawa namin ang lahat upang mapanatili ang maka-pamilyang atmosphera sa bawat pagpupulong at panatilihin ang ating "Pagkakaisa para sa matagumpay na Dentistriya".

Magkita-kita tayo sa Masaganang Syudad ng Singapore!

Dr. Dobrina Mollova, MDS

Managing Director


Sitemap | 7th CAD/CAM & Computerized Dentistry International Conference - 1st Asia-Pacific Edition

Valid XHTML 1.0 Transitional